PNP, iginiit na sumunod sila sa standard operating procedure sa pagsuri sa katawan ng drug war victim na si Kian Delos Santos

Iginiit ng Philippine National Police na sumunod ang kanilang medico-legal office sa standard operating procedures nang suriin ang katawan ng drug war victim na si Kian Delos Santos.

Pahayag ito ng PNP Forensic Group matapos sabihin ni forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun na hindi naging maayos ang pagsusuri ng PNP at Public Attorney’s Office sa katawan ni Kian.

Ayon sa grupo, nakatulong ang mga natuklasan ng kanilang eksperto upang mapakulong ang tatlong tauhan ng Caloocan City Police na pumatay sa binata noong 2017.


Nanindigan din ang forensic group na nagsagawa sila ng tapat, seryoso at masinsinang eksaminasyon na walang bahid ng personal o pulitikal na hangarin simula 1945.

Facebook Comments