
Cauayan City – Nagsagawa ng seminar ang Ilagan Component City Police Station (CCPS) sa City of Ilagan Medical Center (CIMC) upang sanayin ang mga guwardiya at empleyado sa wastong pagtugon sa mga agresibong indibidwal at sa banta ng pagsabog.
Layunin ng aktibidad na mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga tagapagpatupad ng seguridad sa ospital upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang panganib.
Tinalakay sa seminar ang tamang evacuation procedures, pagsusuri ng kahina-hinalang bagay, at paggamit ng de-escalation techniques upang maiwasan ang karahasan.
Sa pakikipagtulungan ng Ilagan Component City Police Station, patuloy na magsusulong ng ganitong pagsasanay upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga pampublikong pasilidad sa lungsod.