Sunday, June 14, 2026

PNP, iniimbestigahan din ang iba pang majority senators kasunod ng pagtakas ni Senator Ronald dela Rosa

Iniimbestigahan din ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang majority senators kasunod ng pagtakas ni Sen. dela Rosa sa Senado

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., iniimbestigahan nila ang lahat ng anggulo at patuloy ang kanilang pangangalap ng mga ebidensya kaugnay ng nasabing insidente.

Samantala, ayon kay Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla, sinusuyod na nila ang buong Pilipinas para hanapin si Senator dela Rosa.

Nagbigay naman ng babala si Nartatez sa mga mapapatunayang magkakanlong sa senador kung saan aniya may karampatan itong parusa sa batas.

Facebook Comments