PNP, inilabas na ang composite sketch ng suspek na nasa likod ng pagpatay sa hepe ng San Miguel Police

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang composite sketch ng suspek na nasa likod ng pagpatay sa hepe ng San Miguel Police Lt. Col Marlon Serna.

Base sa nasabing composite sketch, ang suspek ay isang 35 taong gulang pataas na lalake, nasa 5’3 hanggang 5’4 ang height, dark brown ang kulay ng balat at medium built ang pangangatawan.

Ayon pa sa PNP, sakay ang suspek ng Mio Yamaha ng barilin si PLt. Col. Serna.


Matatandaang si Serna ay nasawi sa tama ng bala sa ulo nang paputukan ng suspek na lulan ng motor sa Brgy. Bohol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan bandang alas-9:30 nitong Sabado ng gabi.

Nang maganap ang insidente ay patungo ang team ni Lt. Col. Serna sa Brgy San Juan, San Miguel, Bulacan para rumesponde sa insidente ng pagnanakaw.

Facebook Comments