
Muling binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) ang kahalagahan ng pananampalataya, malasakit, at kababaang-loob na mga katangiang hindi lang pundasyon ng Islam kundi bahagi rin ng pagkataong Pilipino.
Sa paggunita ng Eid’l Adha, kinilala ng PNP ang mahalagang papel ng Muslim community sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III katuwang ang mga kapatid nating Muslim sa nation-building at peace-building efforts ng pamahalaan.
Giit ni Torre, patuloy nilang ipaglalaban ang katahimikan, kaayusan, at seguridad ng publiko, habang isinusulong ang respeto, pagkakaisa, at pag-unawa sa lahat ng sektor ng lipunan, anuman ang relihiyon o pinagmulan.
Facebook Comments