PNP, magbibigay ng seguridad sa nakaumang na impeachment trial ni VP Sara

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng seguridad kaugnay ng inaasahang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bagama’t political exercise ang naturang proseso, tututok ang kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Giit ni Fajardo, nakaalerto ang PNP sa anumang kilos-protesta pabor man o kontra sa impeachment.

Sinabi ni Fajardo na makakaasa ang publiko na ipatutupad ng Pambansang Pulisya ang maximum tolerance.

Samantala, paalala ng PNP sa publiko na pairalin ang disiplina at respeto sa batas habang may mga aktibidad kaugnay ng usapin.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng PNP sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para masigurong magiging maayos at mapayapa ang mga kaganapan kaugnay ng inaasahang impeachment proceedings.

Facebook Comments