PNP, maglalabas ng bagong panuntunan para hindi maabuso ang Oplan Katok

Nakatakdang maglabas ng bagong panuntunan ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagpapatupad ng kontrobersyal na ‘Oplan Katok.’

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, ikinonsulta nila ito sa nakalipas nilang pulong kasama ang gun and security concerns committee ng Commission on Elections (Comelec).

Nauna nang nilinaw ng Comelec na hindi sila tutol sa inisyatiba kontra loose firearms, bagkus iniiwasan lamang nila na magamit ito bilang panakot sa eleksyon.


Sa kabila naman ng pagkwestyon ng Comelec, sinabi ni Fajardo na tuloy ang implementasyon ng Oplan Katok na aniya’y matagal nang ipinatutupad ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments