PNP, magtataas ng alerto bilang paghahanda sa SONA

37

Itataas ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status sa buong bansa simula Sabado ng umaga.


Ito ay para matiyak na magiging payapa ang mismong araw ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde – bukod sa 14,000 pulis na ipapakalat ng PNP, magkakaroon din ng augmentation force mula sa AFP.

Ipagbabawal din ng PNP ang pagpapalipad ng drone sa Lunes partikular sa paligid ng Batasang Pambansa Complex kung saan ibibigay ng Pangulo ang kanyang ulat sa bayan.

Habang ipinauubaya na nila sa Presidential Security Group (PSG) kung magpapatupad muli ng signal jamming sa araw ng SONA.

Ayon pa kay Albayalde – 100 percent nang handa ang PNP para sa SONA.

Facebook Comments