PNP MANGALDAN, KILALA NA ANG NAKA ENGKWENTRO NILA SA BUY BUST OPERATION NITONG LINGGO

Kilala na ng mga kapulisan ang mga naka engkwentro nila matapos ang naganap na Buy Bust Operation sa bayan ng Mangaldan.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Mangaldan PNP Chief Of Police Pol. Lt. Col.
Benjamin Zarate, sumuko na kasi aniya ang isa sa apat na mga suspek sa PNP sa Bayan ng Sta Barbara.

Isiniwalat na din aniya ng sumuko na suspek ang pagkakakilanlan ng mga kasamahan pa nila bagamat patuloy pa ang malalimang imbestigasyon kaugnay dito lalo pat nag ooperate sa ilang mga lugar at bayan sa Pangasinan ang mga ito.
Linggo ng hapon ng magsagawa sana ng Buy Bust Operation ang mga suspek laban sa isang target list nila subalit nagka engkwentro matapos mahalata ng mga ito na Pulis ang kanilang ka transaksyon.
Dagdag pa ng hepe, ang kanilang target sa Buy Bust Operation ay ikinanta lamang din ng isa pang suspek na nahuli din nila sa Buy Bust Operation kamakailan.
Tiniyak naman nito na ginagawa na lahat ng PNP Mangaldan na panatilihin ang pagiging Drug Free Municipality ang nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments