PNP mas hinigpitan ang kanilang security protocols kasunod ng pagkaka aresto sa Chinese spy

Nagpatupad ng mas mahigpit na security protocols ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang installations at mga personnel.

Ito’y kasunod narin ng pagkaka aresto kamakailan ng NBI sa isang Chinese spy at 2 pinoy na kasabwat.

Ayon kay PNP Acting PIO Chief PCol. Randulf Tuaño noon pa man ay mahigpit na ang pagpasok sa mga kampo ng pulisya sa buong bansa kung saan kinakailangan muna ng clearance, hihingan ng ID, dadaan sa verification processes bago tuluyang makapasok sa camp premises na layong tiyakin ang seguridad ng mga pasilidad ng pulisya.


Maliban dito, pinalakas din ng Pambansang pulisya ang kanilang cybercrime efforts, kung saan ang mga cybercriminals ay nilalansag ng PNP specialized units tulad ng Directorate for Intelligence, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Itinatag narin ang PNP Cyber Security Operations Center na layong palakasin ang ating national security infrastructure.

Kasunod nito, sinabi ng PNP na nananatili silang committed sa pagprotekta sa bansa at kanyang mamamayan sa lahat ng uri banta maging ito man ay physical o digital threat.

Facebook Comments