PNP, mas lalaliman ang ginagawang imbestigasyon sa Batocabe slay

71

Manila, Philippines – Muling iginiit ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa sarado ang kaso ng pagkakapatay kay Ako Bicol partylist Representative Rodel Batocabe at sa aide nito.

Sa interview ng RMN Manila kay PNP spokesperson Chief Superintendent Bong Durana, marami pa silang dapat na imbestigahan para mas lalong madiin sa kaso ang itinuturing nilang mastermind na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Iginiit pa ni Durana na bukod sa mga testimoniya ng mga witness at nang mga sumukong suspek, kanila din pinagbasehan ang mga ebidensiyang kanilang nakalap.

Sinabi pa ng opisyal na mas lalaliman nila ang imbestigasyon para matukoy kung may iba pang kasabwat sa krimen.

Facebook Comments

From Advertisers