Wednesday, June 10, 2026

PNP, may lead na sa kinaroroonan ng 2 opisyal ng DPWH na sangkot sa maanomalyang flood control project

May lead na umano ang Philippine National Police o PNP sa kinaroroonan nina Department Of Public Works And Highways (DPWH) Ernesto Galang at Lorenzo Pagtalunan na sinasabing sangkot umano sa anomalya ng P53.9-M na flood control project sa Bulacan.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., malakas ang paniniwala nila na mapapanagot sa batas ang nasabing mga pugante.

Matatandanag ipinag-utos ng Sandiganbayan nitong Byernes, June 5 ang pag-aresto kay Galang, Pagtalunan at 9 pang akusado, kabilang ang mag-asawang government contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Facebook Comments