PNP, may pagkakakilanlan na sa suspek na nag-iwan ng bomba sa loob ng bus sa Isabela, Basilan

68

Naglunsad na ng manhunt operation ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga suspek sa pambobomba sa Isabela, Basilan nitong Lunes.

Ayon kay Police Regional Office 9 Spokesperson Police Major Shellamie Chang, mayroong lumutang na witness na nagbigay ng pagkakakilanlan sa suspek.

Batay sa paglalarawan ng testigo, isang lalaki na may taas na 5’3 hanggang 5’4 ang nag-iwan ng bomba sa bus ng D’Biel Transportation Company.


Nakasuot daw ito ng pulang t-shirt, maong na pantalon, itim na sumbrero at medium built ang size ng katawan.

Sinabi pa ni Chang na batay sa inilahad ng testigo, sumakay ang suspek sa Lamitan, Basilan bitbit ang box at bumaba sa Isabela, Basilan nang hindi bitbit ang kanyang bagahe.

Habang batay naman sa kuha sa CCTV, ang ikalawang suspek na nag-iwan ng bomba sa parking lot ng isang fast food chain ay nakasuot naman ng dilaw ng t-shirt, maong pants at puting sumbrero.



Matatandaang noong isang lingo ay nagkaroon din ng pagsabog sa Koronadal at Tacurong na ikinasugat ng dalawang sibilyan.

Facebook Comments