
Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa kumakalat na social media post kaugnay ng umano’y Non-Uniformed Personnel hiring.
Ayon sa Non-Uniformed Personnel Affairs Division ng PNP, nagdulot ng kalituhan sa mga aplikante ang nasabing impormasyon.
Nilinaw nila na wala pang opisyal na anunsyo mula sa National Headquarters sa Camp Crame hinggil sa NUP hiring.
Anumang update kaugnay ng kanilang recruitment ay ilalabas lamang sa kanilang official website at social media accounts.
Pinapayuhan naman ang publiko na maging mapanuri at tiyaking mula sa lehitimong source ang mga nakukuhang impormasyon upang hindi mabiktima ng panloloko at fake news.
Facebook Comments