PNP, may panibagong apat na mga heneral

128

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang promosyon ng apat na opisyal ng Philippine National Police (PNP) bilang Brigadier General o One-Star General.

Promoted bilang Director ng PNP Chaplain Service si Police Brigadier General Jayson D. Ortizo.


Kabilang din sa naging heneral si Police Brigadier General Jimili L. Macaraeg, ang Deputy Regional Director for Administration of PRO-Caraga (DRDA, PRO-Caraga).

Itinalaga rin bilang heneral sina Police Brigadier General Emmanuel B. Peralta, ang District Director ng Southern Police District (DD-SPD) at Police Brigadier General Antonio C. Yarra, ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO-4A (DRDA-PRO-4A).

Na-promote ang mga ito matapos ang endorsement ng Civil Service Commission (CSC) at batay na rin sa rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary at National Police Commission (NAPOLCOM) Chairman Eduardo Año at ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board na epektibo nitong Mayo 26, 2020.

Facebook Comments