PNP may person of interest na sa pagpatay sa mamamahayag na si Jess Malabanan

62

May person of interest na ang Philippine National Police (PNP) sa pamamaslang sa journalist na si Jess Malabanan.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, may lead na ang Special Investigation Task Group (SITG) sa krimen pero sa ngayon ay hindi muna nila ito ibubunyag para hindi makompromiso ang imbestigasyon.

Gayunman, “land dispute” o away sa lupa umano ang nakikitang motibo sa krimen.


Matatandaang ang SITG ay binubuo ng Regional Criminal Investigation and Detection Group, Forensic Group, Regional Intelligence Unit, at Calbayog City Police Station sa pangunguna ng Deputy Regional Director for Operations ng PRO-8.

Matatandaang nitong Disyembre 8, nanonood ng TV sa kanyang tindahan ang biktima nang biglang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin, tumakas ito sakay ng motorsikolo na may isa pang kasama.

Kinondena ni PNP chief ang insidente kasabay ng pagtiyak na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa journalist.



Facebook Comments