PNP, muling nagpatupad ng balasahan

106

Muli na namang nagpatupad ng balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil na rin sa pagreretiro sa serbisyo ng ilang matataas na opisyal.


Kabilang sa mga napasama sa reshuffle si Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., ng PNP Drug Enforcement Group na itinalaga bilang Regional Director ng PNP CARAGA na kapalit ni Police Brig. Gen. Joselito Esquivel na magre-retire sa Huwebes (September 17).

Papalit naman kay Caramat bilang Direktor ng PNP DEG si Police Brigadier General Armand de Leon na dating nakatalaga bilang Deputy Regional Director for Administration sa Police Regional Office 11.

Si Police Col. Lorenzo Deltran na nanggaling sa PNP MIMAROPA ang papalit sa pwesto ni De Leon sa PNP Davao Region.

Ayon naman kay PNP Chief General Camilo Cascolan, lahat ng mga nangyayaring balasahan at reassignment sa PNP ay para sa mas ikakaganda pa ng pagseserbisyo ng buong PNP sa publiko.

Facebook Comments