PNP, naglaan ng units na tutulong sa DOH para makaiwas sa posibleng kaso ng Wuhan Coronavirus

55

 

Pinakikilos na ngayon ng Philippine National Police ang kanilang mga units na may direktang alam para makatulong sa Department of Health para makaiwas ang mga Pilipino sa nakakahawang coronavirus na nagmula sa Wuhan China.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac ang mga PNP units na mayroong chemical, biological, radiological, nuclear and high yield explosives capability  partikular na ang special action force, crime laboratory at health service ang pinakikilos ng pamunuan ng PNP para  magsilbing frontliners.


 

Sinabi ni Banac nakikipag ugnayan na sila ngayon sa DOH para malaman ang kanilang mga gagampanan sa gagawing inisyatibo ng pamahalaan para maingatan ang mga Pilipino laban sa nakakahawang sakit.

 

Giit ni Banac may kakayanan at kagamitan ang PNP para harapin ang health problem lalot taong 2003 at taong 2015 ay una nang nagkaroon ng health emergencies sa bansa dahil sa sars at mersco.

 

Sa ngayon tiniyak ni Banac na walang miyembro ng PNP ang nagpositibo sa coronavirus.

 

Pero sakali aniyang may may pulis na may sintomas  ng nasabing sakit, dadalhin aniya  ito sa Camp Crame para agad mabigyan  ng medical attention.

Facebook Comments