PNP, naglunsad ng “integrated hotline” 45-45 para sa ibat ibang mga sumbong

81

Hindi na malilito ang mga mamayan sa dami ng iba’t ibang hotline ng PNP para sa iba’t ibang sumbong kaugnay sa  trapiko, krimen, droga, kotong cops, at iba pa.

Dahil naglunsad ang PNP ng integrated   hotline 45-45 para sa lahat ng uri ng sumbong, na may temang Pulis Pulis, kung umaksyon, mahusay at mabilis.”


Ayon Kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde Pinag-isa na ng PNP ang lahat ng iba’t ibang hotline para  mas  may sistema ang  pagtanggap ng mga reklamo, at mas maayos ang pag-monitor at pagevaluate sa naging aksyon ng mga pulis.

Parte aniya ito ng pagsisikap ng PNP na maging mas epektibo sa pagahahatid ng serbisyo sa mga mamayan.

Kasama din sa programang “Pulis pulis, kung umaksyon  mahusay at mabilis” Ang pagsasanay sa mga frontline personnel para mas mahusay na makitungo sa mga publiko.

Maliban esa bagong hotline, maari ding makipagugnayan o magsumbong ang publiko sa PNP sa pamamagitan ng PNP mobile app, at ito ay “integrated” din sa bagong hotline.

Facebook Comments

From Advertisers