PNP, nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis

Nakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis kahapon, April 21, 2025.

Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na kanilang ipinaaabot ang panalangin at pakikiramay sa Vatican gayundin sa lahat ng mananampalatayang napukaw ang damdamin sa pagyao ng Santo Papa.

Inilarawan ng PNP si Pope Francis bilang sandigan ng kababaang loob, tapang at pagmamalasakit na nagsisilbing tinig ng mga mahihirap, kinalimutan at sa mga walang boses sa lipunan.

Pagsusumikapan ding itaguyod ng Pambansang Pulisya sa kanilang hanay ang lahat ng aral at mabuting gawa na itinuro ng Santo Papa.

Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 kung saan nakaranas ito ng seryosong problema sa kalusugan kabilang na ang double pneumonia.

Gayunpaman, pinangunahan pa ng Santo Papa ang Easter Sunday Mass nitong April 20.

Facebook Comments