PNP, nagpasaklolo na sa LTO para matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng luxury car na may logo ng PNP

Humingi na ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa Land Transportation Office (LTO) para matunton ang kinaroroonan at ang may-ari ng luxury vehicle na may logo o sticker ng PNP.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, base sa paunang imbestigasyon, lumalabas na ang naturang sasakyan ay nakarehistro sa isang kompanya ngunit nang puntahan ito ng mga awtoridad sa may bahagi ng Pasay City ay hindi na ito matagpuan.

Sinabi ni Fajardo na nais nilang ipa-backtrack sa LTO ang registered owner nito at kung nai-transfer na ang rehistro sa bagong may-ari.


Paliwanag pa ni Fajardo, tanging ang LTO lamang kasi ang mayroong awtoridad na maglabas ng show cause order laban sa registered owner at kasalukuyang owner ng nasabing sasakyan.

Matatandaang nag-trending sa social media ang Toyota Alphard na may logo ng PNP pero una nang iginiit ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na wala silang iniisyung luxury vehicle para gawing police patrol.

Facebook Comments