PNP, nagtalaga nang bagong tagapagsalita

145

May bago ng Spokesperson at Public Information Office (PIO) Chief ang Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa katauhan ni PCol. Ysmael Yu.


Si Yu ay dating Deputy Director for Operations ng Police Regional Office 1.

Ayon mismo kay Brigadier General Bernard Banac, siya itinalaga bilang director ng PNP training service epektibo bukas, September 9, 2020.

Nagpasalamat naman si Banac sa mga nakasama nya sa PIO at sa PNP sa isang taon at walong buwan niyang assignment bilang tagapagsalita.

Si Yu ay mistah ni Banac sa PMA Class of 1992.




Habang itinalaga naman bilang Deputy Chief PIO si Police Col Emma Libunao na dating nakatalaga sa PRO 1 at DPCR.

Matatandaan na noon lamang nakaraang linggo, ay nagpatupad ng balasahan ang PNP kung saan 7 senior officials ang apektado.

Facebook Comments