PNP, naka-Full Alert Status na ngayong pasko at bagong taon

Nakataas na sa Full Alert Status ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang mapayapa at maayos na paggunita ng lahat ngayong pasko at bagong taon.

Ayon kay PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernanrd Banac, ang mataas na alerto ay magtatagal hanggang Enero a-singko (Jan. 5) ng susunod na taon.

Aniya, mahalagang malakas ang presensya ng kapulisan lalo na sa mga place of convergence o matataong lugar.


Sa ngayon, wala pang natatanggap na anumang banta ang PNP.

Aabot sa 69,300 police personnel ang itatalaga sa mga paliparan, terminila, pantalan, at mga mall, maging sa mga simbahan.

Facebook Comments