PNP, naka-heightened alert na para sa SONA bukas

121

Naka-heightened alert na ang Philippine National Police (PNP) para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, kasado na ang preparasyon ng PNP para sa seguridad ng pangulo.

Sa ngayon, wala rin aniya silang natatanggap na anumang banta sa seguridad.


Muli namang ipinaalala ng PNP na bawal magsagawa ng rally sa mga public spaces pero pinayagan nila ang protesta sa loob ng UP campus bilang paggalang sa kanilang academic freedom.

Pero ayon kay Banac, kailangan pa rin nilang sumunod sa mga health protocols lalo na sa social distancing at pagsusuot ng face mask.

Pakiusap din niya sa publiko, manatili na lamang sa loob ng bahay at magsagawa na lamang ng mga kilos-protesta online.



Facebook Comments