PNP nakakumpiska ng mahigit 12 milyong piso sa mahigit 200 insidente ng vote buying

Nakakumpiska ang Philippine National Police ng 12,208, 958 na cash sa 225 na insidente ng vote buying sa bansa.

 

Batay sa National Election Monitoring and Action Center o NEMAC  pinakamaraming nakumpiskang cash dahil sa vote buying ay sa Region 13 na umabot sa mahigit 7 milyon piso.

 

Sinusundan ng region 10 kung saan  nakakumpiska sila ng mahigit isang milyong piso.


 

Aabot naman sa 449 na mga indibdiwal ang naaresto dahil sa vote buying.

 

Walo dito ay mga menor de edad.

Facebook Comments