PNP, nakapagtala ng 25 bagong kaso ng COVID-19

30

Panibagong 25 kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, umabot na sa 6,408 ang kabuuang bilang ng mga pulis na may COVID-19.

Batay sa ulat ng PNP Health Service, sa mga panibagong kaso, 8 ay naitala sa NCRPO, 4 sa PNP CALABARZON, 3 sa PNP Region 9, tig-dalawa sa National Operation Support Unit at PNP BAR at tig-iisa sa PNP Region 1, Region 3, Region 5, Region 6, Region 11 at PNP Cordillera.

Pero good news dahil nakapagtala naman ang PNP Health Service ng panibagong 69 recoveries kaya umaabot na sa 5,633 ang mga gumaling sa hanay ng PNP.

20 pulis naman ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments