PNP, nakapagtala ng bagong 74 na kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay

33

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nadagdagan sila ng 74 na personnel na positibo sa COVID-19.

Dahil dito, umaabot na sa 7,419 ang kabuuang bilang ng tauhan ng PNP na tinamaan ng virus.


Nakapagtala naman ng bagong 40 na pasyente ng PNP ang nakarekober sa COVID-19 kung kaya’t pumalo na sa 6,936 ang bilang nito.

Nasa 460 ang kabuuang bilang ng active cases sa hanay ng PNP habang 23 ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.

Ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pambansang Pulisya ay patuloy naman binabantayan ng PNP Health Service.

Facebook Comments