PNP, nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan

Kaisa ang Philippine National Police (PNP) sa buong sambayanan sa pagdiriwang ng ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2025, na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”

Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, kinikilala ng Pambansang Pulisya ang katapangan at sakripisyo ng mga bayani ng bansa na nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Sinabi ni Torre na bilang mga tagapangalaga ng kapayapaan at demokrasya, tinitiyak ng PNP ang kanilang patuloy na suporta sa mamamayang Pilipino sa pagpapanatili ng kalayaang bunga ng dugo at pawis ng ating mga ninuno at bayani.

Nangako rin ang Pambansang Pulisya na patuloy nilang tutuparin ang tungkuling protektahan ang karapatan at kalayaan ng bawat mamamayan.

Ani Torre, ang tema ngayong taon ay paalala na ang kasaysayan ng kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi kwento ring patuloy nating isinusulat para sa ating kinabukasan.

Facebook Comments