PNP, nakikipag-ugnayan na sa CHED para sa pagbabalik ng in-person classes

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Higher Education (CHED) para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, magdi-deploy sila ng mga police personnel sa mga premises ng mga eskwelahan sa sandaling magsisimula na ang klase.

Aniya, istrikto rin babantayan ng mga pulis kung nasusunod ang minimum public health standards sa mga school premises.


Hinimok naman ni Carlos ang mga mag-aaral at mga magulang na maging alerto at vigilante laban sa mga street crime incidents na karaniwan sa bisinidad ng mga colleges at universities.

Facebook Comments