
Base sa monitoring ng Philippine National Police (PNP), nananatiling under control ang sitwasyon ngayong Eleksyon 2025.
Ayon kay PNP PIO PMaj. France Ramos, wala silang major threat na namo-monitor ngayong araw saanmang dako ng bansa.
Samantala, mula sa kabuuang 37, 525 na polling precincts sa buong bansa nasa 35,000 ang nakapag bukas na as of 7am.
Aniya, mayroong mahigit 3,000 polling precincts ang hindi nakapagbukas sa eksaktong oras ng botohan dahil sa problema sa electric transmission o kawalan ng kuryente.
Sinabi ni Maj. Ramos na inaayos na ito ngayon upang makaboto na ang ating mga kababayan.
Facebook Comments