PNP, nanawagang huwag ikumpara ang kaso ni Kian Loyd Delos Santos kay Carl Angelo Arnaiz

Manila, Philippines – Nanawagan si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na huwag namang husgahan kaagad ang mga pulis na nadadawit sa pagpatay sa 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz sa Caloocan City.

Sa isinagawang press conference, sinabi ni Dela Rosa na magkaiba naman kasi ang kaso ni Kian Delos Santos sa kaso ni Arnaiz.

Iginiit pa ni Dela Rosa na rumesponde lang naman ang mga pulis matapos makatanggap ang mga ito ng reklamo mula sa isang taxi driver na na-holdap siya.


Matatandaang batay sa affidavit nina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita, sinabi nilang nang-holdap ng taxi driver si Arnaiz at pinalo ito ng baril.

Bukod dito aniya ay nakuhanan din umano ng marijuana at shabu si Arnaiz.

Pero mariin naman itong itinatanggi ng mga kamag-anak ni Carl Angelo.

Facebook Comments