PNP, naniniwalang may inside job sa mga insidente ng pagdukot sa mga BIR officials

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na posibleng mayroong kidnapping syndicate na tina-target ang mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR)

Ayon kay PNP Chief, General Oscar Albayalde – maaring inside job ang nangyayari.

Aniya, malaki ang sindikatong ito at lumalabas sa kanilang natatanggap na impormasyon na may mga dating pulis na miyembro nito.


Sinabi rin ni Albayalde – nahihirapang magsalita ang mga biktima ng sindikato dahil na rin sa banta sa kanilang buhay at kanilang pamilya.

Panawagan ng PNP sa mga biktima na magsampa ng kaso para makausad ito.

Facebook Comments