PNP, natapos na ang imbestigasyon sa mass gatherings na dinaluhan nina Sec. Roque at Sen. Pacquiao

158

Nakatakda nang isumite ng Philippine National Police (PNP) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa mass gatherings sa Cebu na dinaluhan ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Tumanggi si PNP Chief Police General Debold Sinas kung ano ang kanilang rekomendasyon.

Pero sinabi ni Sinas na isinasapinal na rin nila ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring event sa Batangas na dinaluhan naman ni Senator Manny Pacquiao dahil sa kabiguan ng mga organizer na ipatupad ang social distancing.


Una nang sinabi nina Roque at Pacquiao na bukas sila sa anumang imbestigasyon sa mga dinaluhan nilang events.

Facebook Comments