PNP nilinaw na hindi kinakalimutan ang kaso ng pagdukot sa dating aide ni Tanauan Mayor Antonio Halili na si Allan Fajardo

82

Nilinaw nang  Philippine National  Police (PNP) na hindi sila nagpapabaya sa pagtutok sa kaso ng pagdukot sa dating aide ni Tanauan Mayor Antonio Halili na ang negosyanteng si Allan Fajardo.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson  Police Colonel Bernard Banac kasunod na rin mga pahayag na umano’y pulis ang mga gumawa umano ng pagdukot sa naturang negosyante.


Sinabi ni Banac na makabubuting huwag munang pangunahan ang imbestigasyon at hindi rin makatutulong kung magbibigay o pakikinggan ang anumang   ispekulasyon.

Welcome naman aniya sa  pamunuan ng PNP ang  pagpasok ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso.

Sa ngayon pinabubulaanan  nila ang mga pahayag na hindi umano tinututukan ng PNP ang kaso ni Fajardo.

Hindi rin aniya mangingiming parusahan ang sino mang indibidwal, grupo o mapa pulis man sakaling mapatunayan na nagkasala sila sa kaso ng pagdukot kay Fajardo.

Sinasabing si Allan Fajardo ay lider  umano ng Fajardo Criminal Gang sa Region 4A.

Facebook Comments

From Advertisers