PNP nilinaw na walang panibagong gulo sa  Marawi matapos magkaroon ng malalakas na pagsabog sa lungsod

Nililinaw ng PNP Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na walang nangyayaring panibagong gulo ngayon sa Marawi City.

Ito ay kasunod ng mga balita lalo na sa social media na may panibagong gulo sa lungsod ng Marawi matapos na makarinig ng mga malalakas na pagsabog ang mga residente.

Ayon kay Police Captain Jemar Delos Santos ang tagapagsalita ng PNP BARRM walang gulo sa halip pinasabog lamang ng mga miyembrong Philippine Army ang mga bombang hindi sumabog noong nangyari ang Marawi Siege dalawang taon na ang nakakalipas.


Aniya mga alas 2:00 ng hapon kanina nang gawin ang pagpapasabog ng mga bomba sa mismong ground zero sa Marawi City.

Posible ayon kay Delos Santos nabahala ang mga residente dahil sa ginawa ng mga miyembro ng Philippine Army kaya ikinalat sa Social Media.

Facebook Comments