PNP OIC chief Gamboa, nag-inspeksyon sa Araneta bus terminal

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ngayong paparating na Undas.

Ito ang Ipinahayag ni PNP OIC P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa matapos niyang inspeksiyunin ang latag ng security measures sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ngayong araw.

Kinumusta ni Gamboa ang mga pasahero at mga nakabantay na pulis at force multipliers gayundin ay saglit itong nakipagpulong sa pamunuan ng nasabing terminal.


Ayon kay Gamboa, inaasahan niyang epektibong maipapatupad ang direktiba niyang paigtingin ang police visibility at ang pagbabantay sa mga tinatawag na areas of convergence.

Sa tantiya ng OIC PNP chief, aabot sa anim hanggang pitong libo ang mga pasahero na daragsa sa Araneta Center Bus Terminal.

Batay sa pinakahuling monitoring, normal pa naman ang dami ng mga pasahero.

Bahagya na ring mas mataas ito kaysa sa normal.

Facebook Comments