PNP PANGASINAN, NAGPATUPAD NA NG BALASAHAN

42

Sinimulan na ang rigodon sa hanay ng PNP Pangasinan.

Sa isang pahayag, sinabi ni PANGPPO Provincial Director PCOL Richmond Tadina, pagkatapos ng eleksyon limang hepe na ang narelieve sa kanilang pwesto dahil nag -upgrade ang class municipality kung saan sila itinalaga.

Kabilang sa mga napalitan ay ang hepe ng Bolinao, San Fabian, Sta. Barbara, Mangaldan at Urdaneta City.

Dagdag ng opisyal, sa susunod na araw marami pa ang mapapalitan dahil overstaying na ang mga ito at nakatakdang dumaan sa schooling ang ilan.

Samantala, dahil patapos na ang election period tututukan ng PNP Pangasinan ang kampanya nito sa kriminalidad. | ifmnews

Facebook Comments