PNP Paranaque, sisilipin ang anggulong iligal na droga sa pananambang sa isang Chinese national na kalalaya lang

Sinisilip ngayon ng ParaƱaque PNP kung may kinalaman sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs ang motibo sa pamamaril sa isang Chinese National na kalalaya lang.

Lunes ng gabi, sakay ng taxi si Wang Teng Shou matapos sunduin ng paralegal consultant na si Gina Rubiato Rubiato sa Camp Bagong Diwa sa Taguig matapos lumaya dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sumakay ng taxi ang dalawa at pauwi na dapat sa Malate, Maynila, pero sa may DoƱa Soledad Ave. malapit sa Skyway may lumapit na motorsiklo sa taxi at pinagbabaril ang sasakyan.


Nabasag ang salamin sa likuran ng taxi, at ilang ulit na pinaputukan ang Chinese na dinala agad sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments