PNP personnel na nabakunahan kontra COVID-19, mahigit 12,000 na

30

Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 12,203 PNP personnel na nabukanahan na kontra COVID-19.

Ito ang iniulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar.


Aniya, sa unang dose ng bakuna, 10,155 ang tinurukan ng Sinovac, 2,042 ang tinurukan ng AztraZeneca, apat ng Moderna, at dalawa ng Pfizer.

Habang 3,388 naman ang nakakumpleto ng ikalawang dose ng Sinovac, dalawa naman ang Pfizer at isa ang AztraZeneca.

Ayon kay Eleazar, sa ngayon ay nagpapatuloy ang mass testing ng kanilang mga tauhan.

Mayroon na aniyang 163,849 ang naisalang sa RT-PCR test, o 62.3% ng buong puwersa ng PNP.



Facebook Comments