PNP, pinayuhan si Daraga Mayor Baldo na iprisenta na lamang ang kanyang depensa sa korte

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) si Daraga, Mayor Carlwyn Baldo na ipaliwanag at depensahan ang sarili sa nakatakdang paglilitis sa kanya sa korte.

Ito ay kasabay ng mariing pagtanggi ng alkalde na siya ang utak ng pagpatay kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – si Baldo ang itinuturong mastermind sa kaso kaya malamang ay papasinungalingan niya ito.


Aniya, ‘walang sinumang suspek ang aamin sa ginawa nitong krimen’.

Kaya sabi ni Albayalde, sa korte na lamang magpaliwanag at iharap ng alkalde ang kanyang depensa.

Umaasa ang PNP na mahaharap sa trial sa lalong madaling panahon si Baldo.

Facebook Comments