PNP, pinuri dahil sa mabilis na pagresolba sa Batocabe slay

96

Manila, Philippines – Para kay Senate President Tito Sotto III dapat lang purihin ang Philippine National Police o PNP sa mabilis nitong pagtukoy at pagsasampa ng kaso sa umano ay utak at mga sangkot sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Representative Rodel Batocabe.

Hinanakit pa ni Sotto, madalas ay pinupuna lang ang mali ng PNP pero hindi pinag-uusapan ang magaling na ginagawa nito.

Binati naman ni Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Richard Gordon, ang PNP sa magandang simula nito sa taong 2019.

Diin ni Gordon, patunay ito na mapagkakatiwalaan ng publiko ang pambansang pulisya.

Umaasa si Senator Gordon na palaging ganito ang PNP na hindi titigil hangga’t hindi nalulutas ang mga krimen.

Facebook Comments