PNP sa region 7, may nakahandang puwersa na ipapadala sa Marawi kung kakailanganin

163

Cebu City, Philippines – Naghahanda na ngayon ang Police Regional Office- 7 ng dalawang company na anumang oras ay puwedeng ipadala sa Marawi City kapag humiling ng reinforcement ang military sa patuloy na pagtugis nito laban sa Maute Group members .

Ayun kay PRO-7 director , Chief Supt . Noli Taliño, nakatanggap na ito ng mensahe mula sa Campo Crame na maghanda ng mga personnel na posibling ipapadala sa Mindanao .


Kukunin ang kakailanganing puwersa mula sa Regional Public Safety Batallion at ibat-ibang units ng kapolisan na pawang sumailalim na sa training para lumaban sa mga terorista.
DZXL558,Khen Galinea

Facebook Comments