PNP security plan o “Oplan Caduceus” para sa National Vaccination Program, nakalatag na

65

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na may nakalatag na silang mga plano para sa gagawing National Vaccination Program.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Police Major General Alfred Corpuz, mula sa pagdating hanggang sa pag-deliver ng mga bakuna ay nakaantabay ang PNP.


Aniya, mayroong silang PNP Security Plan o Oplan Caduceus, binubuo ito ng task group vaccine cold chain and logistics management na pamumunuan ni Lt. Gen. Cesaw Hawthorne Binag, STG COVID-19 immunization program pamumunuan ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) at STG Demand Generations and Communications na pamumunuan ng Directorate for Police Community Relations (DPCR).

Iniyahag pa ni Corpuz na sa ngayon nakaalerto na ang regional vaccination operation center sa buong bansa.

Sinabi ni Corpuz, ang paghahanda nila ay upang hindi na makaubra sa panggugulo ang mga communist terrorist group at local terrorist group.

Sinabi naman ni Deputy Chief of Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar na nakahanda ang lahat ng Provincial, Municipal at City Police Station kung kakailangan sa gagawing vaccination lalo na sa mga probinsya.




Facebook Comments