PNP, siniguro sa COMELEC na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang paghahanda para sa nalalapit na eleksyon 2025

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (COMELEC) na nagpapatuloy ang ginagawa nilang paghahanda kaugnay sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kabilang sa tinututukan ng Pambansang Pulisya ay ang kampanya kontra ilegal na droga, loose firearms, private armed groups at enhance cybersecurity.

Kahapon, panauhing pandangal sina PNP Chief Marbil at COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa Manila Overseas Press Club’s (MOPC) COMELEC and PNP Night, “The Game Changer: Peace and Order and May 2025 Elections.”


Sa nasabing aktibidad inilatag ng PNP ang mga nagpapatuloy nilang hakbang upang mapanatili ang peace and order sa nalalapit na halalan.

Naging sentro din ng talakayan kung paano nagbabago ang seguridad ng halalan sa paglipas ng panahon at binigyang diin nito na bukod sa “Guns, Goons and Gold” ay mas kailangan ding tutukan ang pagkalat ng fake news.

Kasunod nito, tiniyak ng PNP na gagawin nila ang lahat upang makamit ang maayos at mapayapang eleksyon 2025.

Facebook Comments