PNP, sinigurong tutulong sa imbestigasyon ng NBI sa pagkamatay nina Arnaiz at de Guzman

47

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Phil. National Police na tutulong sila sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kaugnay sa kaso ng pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos lahat ng kanilang maitutulong na kakailanganin ng NBI ay kanilang ibibigay.

Ito ay batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtulungan ang NBI at PNP sa imbestigasyon.

Sinabi pa ni Carlos na mas maiging ang NBI na lamang ang magimbestiga upang maiwasan ang mga perception na bias ang PNP kung sila ang magsasagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments