Saturday, October 10, 2026

PNP, tatalima sa desisyon ng Sandiganbayan na ilipat na sa Quezon City Jail si dating House Speaker Martin Romuadez

Nirerespeto at susundin lamang ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Sandiganbayan na ilipat na sa Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas Quezon City si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, dahil sa nasa kustodiya ng PNP si Romualdez ay ihahatid nila ito kung saan ipadadala ng Sandiganbayan..

Nabatid na naglabas na ng committment order ang Sandiganbayan 3rd Division na naguutos na ilipat ang nasabing dating mambabatas sa BJMP.

Ang arraignment at pre-trial naman nito ay isi-schedule sa September 14 ng 8:30 ng umaga.

Si Romualdez ay nahaharap sa kasong Plunder kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Facebook Comments