Friday, April 10, 2026

PNP, tiniyak ang kapakanan ng mga personnel kasunod ng mga hakbang sa seguridad para sa summer vacation

Bukod sa pagtitiyak ng seguridad ng mga magbabakasyon, tiniyak din ng Philippine National Police (PNP) ang kapakanan ng mga police personnel na idedeploy sa buong bansa para sa summer vacation.

Inatasan na ni Jose Melencio Nartatez Jr., hepe ng PNP, ang mga police commander na repasuhin ang protocol sa deployment upang mapalakas ang police visibility.

Ayon kay Nartatez, kabilang sa mga dapat paghandaan ang mataas na heat index at ang kalagayan ng kalusugan ng mga tauhang itatalaga sa mga pasyalan at iba pang lugar na mainit dahil sa matinding sikat ng araw.

Ang pahayag ay kasabay ng pagtitiyak ng kahandaan ng PNP na masiguro ang kaligtasan ng bawat biyahero, pilgrim, at nagbabakasyon sa ilalim ng Oplan Ligtas SumVac 2026 na tatakbo mula Marso 29 hanggang Mayo 31.

Ayon pa kay Nartatez, nakatuon ang nasabing security plan sa pagpapataas ng presensya ng kapulisan, estratehikong deployment sa mga transport hubs, tourist destinations, at pilgrimage sites, pati na rin sa koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya.

Facebook Comments