PNP, tiniyak na “all accounted for” ang mga donasyong kanilang natatanggap

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr., na “all accounted for” ang lahat ng donasyon na natanggap ng Pambansang Pulisya.

Ang pagtitiyak ng PNP chief ay matapos na i-flag ng Commission on Audit (COA) ang ilang mga sasakyang donasyon sa PNP na umano’y hindi naka-record sa PNP Book of Accounts.

Nilinaw ni Gen. Azurin na base sa ulat ni PNP Director for Logistics Police Major General Ronaldo Olay, ang mga sasakyang tinukoy sa COA report ay mayroong dokumentasyon.


Paliwanag pa nito, mula 2017 hanggang 2021 lahat ng mga sasakyang kanilang natanggap ay nakasaad sa kanilang isinumiteng ulat sa COA nuon pang Hunyo.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Azurin na PNP na siguraduhing kumpleto at tama ang lahat ng mga dokumento na kakailanganin ng COA.

Facebook Comments