PNP, tiniyak na lulutasin ang kaso ng pagpaslang sa grade 9 student sa Lapu-Lapu, Cebu

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na sisikapin nilang maresolba agad ang pagpatay sa isang grade 9 student sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac, tinutukan na ng kanilang Special Investigation Task Group (SITG) ang kaso.

Aniya, naniniwala siyang lulong sa ilegal na droga ang nasa likod ng pagpatay kay Christine Lee Silawan.


Kasabay nito, nanawagan si Banac sa mga magulang na subaybayan ang kanilang mga anak para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Facebook Comments