PNP, wala pang natatanggap na ulat na ginagamit bilang pang-eespiya ng mga Chinese ang mga POGO

53

Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap na intelligence report na ginagamit ng mga Chinese  ang POGO para sa kanilang pang-eespiya.

Ayon kay PNP Chief, General Oscar Albayalde – bagamat hindi ito ikinababahala, ikinukonsidera pa rin nila ito.


Babantayin pa rin aniya ang mga aktibidad ng mga Tsino na nagtatrabaho sa POGO malapit sa mga kampo militar.

Pinawi rin ni Albayalde ang pangambang mapasok din ito ng mga pulis para maglaro dahil mahigpit ang itinatakda ng civil service code kung saan, mahigpit na nagbabawal sa mga pulis na maglaro ng anumang uri ng sugal.

Facebook Comments

From Advertisers